(c) YOURECLARIPEYLD. 2012

Araw araw na lang, lagi akong nakakatanggap ng post-it notes, kundi sa table ko, sa locker ko. hindi ko alam kung kanino yun nanggagaling, kasi kahit ako sa sarili ko, malinaw na wala namang maaaring magbigay sakin nun, may isa lang na naglakas loob. Hindi naman ganun kahalaga yung mga nakasulat sa post-it notes, simpleng "Good Morning, Have a Great Day" "Be careful on your way home" "Take Care Always" kung ano ano pa at mga quotes. Natatawa na nga lang ako kasi baka pinagtitripan lang ako dito sa campus. Inaantay lang nila na kumagat ako sa mga kalokohan nila. Kasi naman, malabo talagang magkaroon ako ng admirer. Secret Admirer to be EXACT. SUS! Sa itsura kong to? Malabo. Oh well, Hindi naman ako panget, maganda ako alam ko yun pero yung ganda na yun, Gandang sinabi sakin ng nanay ko. Pero ewan ko talaga ah, habang tumatagal yung pagtanggap ko ng post-it notes, kinikilig na ako. To the point na gusto ko na syang makita at mameet.

PS: "Mister, Sino ka ba talaga?"