C1 - [The Meeting]
“Uyy, Girl! Wala ka bang balak magpaligaw at magkaboyfriend?” tanong ni Amanda, bestfriend nya.
“haynako Manda! Pwede ba? Ang aga-aga eh. Wag mo kong itulad sayo, maagang lumalandi. Tsaka wala ako sa wisyo makipag-usap.”
“ay! Grabe naman teh! Ang taray natin ngayon ah! Meron ka? Tsaka ampangit naman ng term mo sakin, Maagang Lumalandi hindi naman sag anon, sa ating tatlo kasi ako lang ang may lovelife. Samahan nyo naman ako.”
X: “tapos ka na?”
M: “hindi pa.”
X: “sige aalis na ko.”
Umalis na nga si Xylem ng ganun ganun na lang at iniwan nya na lang basta ang kaibigan nya. Nature na kasi nya yon, pag hindi sya interesado sa topic,lalayasan nya to kahit na di pa ito tapos magsalita.
[Xylem’s POV]
“Lesheng babae yon! Ampupu naman. BOYFRIEND?! Tsss. Ayaw ko nga! Mga sakit lang sila sa ulo. Arrrgghh!!! Yamot na----------”
>____<
ANYARE???
Ayun! Natapilok, plakda sa sahig.
“Ansakit!!. Huhuhu…”
Tatayo na sana ko, pero masakit talaga ang paa ko kaya ayun natumba ako. Buti na lang may sumalo sakin. Pagtingin ko… Lalaki.. And so?
“a-ah. Miss, O-Ok ka lang?” tae lang ah! Mukha ba kong okay? Nakakayamot lang huh!
“tanga ka ba?! Huh?! Tanga ka ba? San ka nakakita ng taong natapilok sabay plakda sa sahig na tuwang-tuwa? Sa tingin mo ok ako? OO okay lang ako. Kaya nga ako natumba eh!” AISHHH!! Ambobo nya grabe lang.
O____O ----> mukha nya.
“tss… Ambobo naman neto” bulong ko lang yun pero I make sure na maririnig nya yun.
Hindi man lang ba magte-thank you tong babaeng to? – sa isip naman ng kausap nya.
“XYLEM!”
O___O ----- O___O – kami yan oh!
Hay!! Sino naman kaya ung tumawag sakin?
Paglingon ko… ahhhh… si Astreid pala isa sa mga bestfriend ko. Infact Nerd yan eh!
Pero bakit parang gulat din expression nya? Ano meron?
Waaahhhh!!!! Late ko na na-realize na nakayakap pala ko dito sa lalaking to. Sa lalaking sumalo sakin kanina.
“Geneive…” Geneive? Sino? Itong chupol na to? Kilala to ni Astreid?
Nasa moment ako ng pag-iisip ng biglang nagsalita tong lalaki na to.
“ahmm.. Miss, pasensya ka na kanina.”
“a-ah… okay lang. pasensya na rin at nasigawan kita. Teka lang ha?” Binalingan ko si Astreid “ Hoy Astreid!” sigaw ko sa kanya. “ano ba? Bakit ba tulala ka? Magkakilala ba kayo nito?” sabay turo ko sa katabi ko.
“huh?... ah…Hindi ah.” Weehh! Maniwala. Hindi daw, pero alam ang pangalan. Humanda ka sakin mamaya..
“hoy! Wala ka bang balak na tulungan ako?”
“Gaga ka ba?” Woah!... ako pa na gaga nitong babaeng to.. “Ambigat mo kaya! Hello?”
B: “uhm… if you mind, ako na lang ang maghahatid sayo sa clinic.” I just look at him.
X: “sige.”
B: “By the way, I’m Geneive. Jan Geneive Alcantara.” tinatanong ko? FC ka kuya? Shakehands gusto mo? Okay, dun ka sa aso ko.
I stared at him. From head to toe then tinalikuran ko sya.
“ihatid mo na ko sa clinic. Hindi ako interesado sayo at kung sino ka man”
Huh! No response? Ang lakas ng loob mag-insist huh? Parang tanga lang… tinawag ko na lang si Astreid
“Astreid… halika ka na samahan mo na ko. Mukhang walang balak tong impaktong hukluban na to eh.”
“ah… sige na nga… tara!”
[Geneive’s POV]
May nakita ako, babae nakadapa sa sahig. Grabe! Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lang and besides mukhang maganda sya a. Ang kaso nawalan ng poise. Hmmm… matulungan na lang para at least dagdag pogi points.
And then yun na nga. Nakuha nyang tumayo pero in the end natumba sya. At dahil nga “MABAIT” ako sinalo ko sya.
“a-ah. Miss, O-Ok ka lang?” malumanay kong tanong. Syettt!!! Ang ganda nya! Nagulat na lang ako ng bigla nya kong sigawan.
“tanga ka ba?! Huh?! Tanga ka ba? San ka nakakita ng taong natapilok sabay plakda sa sahig na tuwang-tuwa? Sa tingin mo ok ako? OO okay lang ako. Kaya nga ako natumba eh!”
Aba-aba at mataray tong babaeng to ah! Pasalamat sya maganda sya kaya natulala na lang ako at hindi nakuhang magsalita. Hanggang ngayon hawak ko pa rin sya nang may marinig ako.
“TSS… AMBOBO NAMAN NETO.”
Teka nga! Hawakan nyo ko baka ibalibag ko tong babaeng to. Kanina pa to ah. Hindi man lang marunong mag-thank you? Leche!
“XYLEM!!”
huh? Sailem? Sylem? Sylen? Ano daw?
So… Sailem pala pangalan nito. Unique. Tahimik ang paligid pero…
Pero narinig ko ang pangalan ko galling dun sa babaeng tumawag dito sa katabi ko.
Oh, Ano? Astig no!
(wehhhh! Tuwa ka na non? Pakamatay ka na!)
Takte tong si author, panira ng moment.
(tsss..)
Di ko na lang sya pinansin. Ang ginawa ko, humingi ako ng paumanhin sa katabi ko. Pero nagulat ako! Bakit? Marunong rin pala tong humingi ng tawad. Haha… mukhang mabait naman pala. Ang kaso biglang sumigaw at tinarayan ung kaibigan nya yata..
AYNAKO! Binabawi ko na yung sinabi ko na mabait sya. Binabawi ko na. Pero wait! I found her interesting. Yes! Interesting . Type ko sya. Syet!!! Parang maniniwala na ko sa Love At First Sight ah! Kaya itutuloy ko na. Ako na nag-insist sa kanya na ihatid sya sa clinic kasabay pa non na I introduce myself to her.
“I’m Geneive.” Sabay lahad ng kamay for shakehands. “Jan Geneive Alcantara”
Pero leche lang talaga! Ano ba tong babaeng to? Nakakalalaki na ah. Di ba ko gwapo sa paningin nya para tignan mula ulo hanggang paa at talikuran. Woah!! Speechless na talaga ko sa kanya. Dagdag mo pa don ang sinabi nyang hindi sya interesado kung sino man ako.
Narinig ko ang pagyaya nya sa kaibigan nya. Kaya sa inis ko na kanina ko pa pinipigilan, dali-dali ko syang binuhat at gulat naman sya.
“Sumunod ka samin” galit na yung tono ko. Ang way ng pagkakasabi ko sa kaibigan nya yung tipong no choice sya at kelangan nyang sundin.
Then here we are at the clinic. Iniwan ko na sya dun kasama kaibigan nya. Nakakainis lang!
In : Humor
Tags: hatred revenge romance teen love