MEET THE CHARACTERS

 

 

Xylem Rose Montealegre

 

 

                                 Mayaman ako, maganda na rin pero NBSB ako dahil na rin siguro mataray at matapang ako. Mayaman ako kasi anak ako ng isang businessman. Marami rin akong friendships at kakilala pero dalawa lang ang pinaka-best at close ko, sina Amanda at Astreid. Since high school magkakaibigan na kami at sahil matagal na rin, lutang na ang ugali naming sa isa’t-isa. Kilala bilang mataray pagdating sa mga taong hindi ko kilala pati na rin pag hindi ako interesado sa isang bagay, asahan molalayasan kita kahit di ka pa tapos magsalita. Bastos ba? I think hindi naman, nature ko na yun e. Pasensya kayo. Matapang at palaaway din ako, nakikipag-away lang ako pag alam kong nasa tama ako. I hate boys. Kaya wala pa kong boyfriend. Marami akong suitors pero lahat sila binasted ko. Bakit? Wala lang. Ayaw ko lang. Sakit lang sila ng ulo eh.

 

 

 

 

                                 But I didn’t expect na may lalaking darating sa buhay ko. Ang syang magpapatibok sa puso ko at sya rin magwawasak nito. At dahil anak ako ng businessman, normal na samin ang maSAKAL.. este maKASAL ng maaga sa pamamagitan ng arrange marriage.Pero AKO? Tsss… Tutol ako dyan. Tutol ako sa balak ng mga magulang ko maipakasal ako sa taong di ko mahal pero in the end I realized na dapat kong pumayag sa kasal na yon as a revenge to HIM.

 

 

 

 

                                 Oh! I almost forgot. I have a brother. Sya si Jonas. Jonas Montealegre. Matanda sya sa kin ng dalawang taon, bale 21 years old na sya kasi 19 palang ako.

 

 

 

 

Brian San Agustin

 

 

                                 Anak ako ng isang businessman na maraming kumpanya dito sa Pilipinas. Sabi ng ibang babae almost perfect na ko. Bakit? Kasi gwapo na ko, mayaman pa. Dagdag pa dun ang pagiging mabait ko.

 

 

 

[ Ehem!.. ]

 

 

 

[ O, bakit author? ]

 

 

 

[ bagyo ka ba? ANG HANGIN EH! ]

 

 

 

[ may angal ka? Baka gusto mong ipabugbog kita sa mga alipores ko? ]

 

 

 

[ leche ka! Ikaw! Baka gusto mong tanggalin kita sa story na to! ]

 

 

 

[ a-ah… hehe.. joke lang author… peace tayo (^o^)\/ Lab kaya kita. ]

 

 

 

[ (=_=) yan! Edi lumabas din ang tunay mong ugali. Actually mga readers ko, mabait lang sya sa mga babae. Casanova kaya yan… ]

 

 

 

[ Aynako! Author, kelangan talagang i-broadcast? ]

 

 

 

[ OO, for the sake of readers. ]

 

 

 

[ oo na, sige na. ako na. ] (-_-)

 

 

 

                                 Okay back to reality na tayo. Tama si author. Casanova ako, araw-araw, iba-ibang babae ang kasama ko, maliban sa pagiging babaero ko. Gang leader din ako, pero syempre di ako madalas sumama sa kanila, masira pa mukha ko sayang naman, mauubos ang gwapo sa mundo. Marami naman akong alipores at sumasama lang ako pag may gusto akong turuan ng leksyon o pagtripan. Dahil nga sa mga pinag-gagagawa ko, AYUN! Naisipan ng magaling kong ama na ipakasal ako sa babaeng hindi ko gusto, ni hindi ko rin kilala. A-YO-KO nga! Pag nag-asawa ako, di na ko maka-pambababae, pero… *TING! Kung magapapakasal ako… AYOS!!!! Sya na lang ang paglalaruan ko. kaya ayun pumayag na rin ako.

 

 

 

 

Astreid Boromeo

 

 

                                 Isa ako sa bestfriend ni Xylem. Mabait ako, maganda at mataray rin gaya ni Xylem, kaso may pagka-nerd ako. Matalino kasi ako eh. Pero unlike to the other nerds na nagkalat, MAGANDA at MAAYOS naman akong manamit. Di ko feel magsuot ng malalaking eyeglasses, braces at damit na parang manang. Sayang naman ang beauty ko kung magsusuot ako ng ganun di’ba? Ang ganda ko naming nerd kung nagkataon. Wala akong love life pero long time crush meron.

 

 

 

 

Jan Geneive Alcantara

 

 

                                 Gwapo rin ako at mayaman, papatalo ba ko sa ibang characters dito? Syempre hindi. Ako ang lalaking tinutukoy ni Xylem na gusto nyang gantihan . may pagkamaloko kasi ako dagdag mo pa na medyo babaero ako pero hindi naman singtindi ng isang Casanova.

 

 

 

 

Amanda Gonzales

 

 

                                 Ako lang naman ang kaibigang model ni Xylem. Hindi ako mayaman gaya nya, may kaya naman. Ganun! May boyfriend ako and katulad ko model din sya. May pagkakalog din ako, actually ako ang nagdadala ng kasiyahan sa ming tatlo kasi ma-pr akong tao.

 

 

 

 

Calix James Cruz

 

 

                                 Ako yung model na boyfriend ni Amanda. Mabait at loyal ako pagdating sa kanya, mahal ko sya eh. Isa pa sa bait nyang yun kahit na minsan eh, luka-luka. Sinong hindi mai-inlove? Ang sarap nyang kasama para ngang vitamins ko sya pag pagod na ko, Makita ko lang sya, full na agad ang energy ko. Hay!!! Kung saan saan na napupunta. Hanggang dito na lang.