You're my Dark Star -- C1
-------------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥-------------
“Tagumpay ang fashion show.” Natutuwang sabi ni Lorenz. “Ayon sa Marketing Department, dagsa daw ang orders para sa summer collection natin.”
Kinibit ng kausap nya ang balikat. Walang kangiti-ngiti ito.
“o, bakit naman parang hindi ka masaya, pare ko?”
“nanghihinayang kasi ako dahil hindi ko naisama ang iba ko pang designs sa fashion show na yon. Lalo sanang malaki ang magiging sales natin.”
“may iba ka pa bang designs na naipit? Eh bakit naman hindi mo pa naisama?”
Umiling sya. Halatang naiirita.
“wala sa ating nagging models ang pwedeng magsuot ng mga ito. Hindi babagay sa kanila.”
“mahalaga pala talaga ang image ng fashion model sa mga kasuotang pino-promote sa market ano?”
“Of course. The fashion model can make or unmake the popularity of an apparel.”
“ano bang klaseng beauty ang hinahanap mo pare sa mga designs mong hindi isinama sa fashion show?”
“Someone who projects a fresh and innocent image and yet has an aura of sophistication. Kailangang tama ang hubog ng pangangatawan. Slim pero makurba. At kailangang matangkad ito.”
“naglabas ka na ba ng Ad na kailangan mo ng ganitong type ng fashion model?”
Nagkamot sya ng ulo.
“naku, di na Lorenz. Dadagsa lamang ditto sa opisina natin ang mga applicants na nag-iilusyong maging fashion model kahit na hindi puwede.”
“eh pano ka makakahanap ng kailangan mo?”
“humingi na lamang ako ng tulong sa mga kaibigan. Magrere-komenda ang mga ito. At least, alam nila ang taste ko.”
“ganoon naman pala eh. In the mean time, kailangan mong mag-relax. Tara, mag-inuman tayo.”
“ofcourse. Para makapag-kwentuhan tuloy tayo.”
*fast forward*
“di maghanap ka ng iba. Napakaraming babae dyan” –Louie
“isa lamang ang gusto ko. magtitiyaga na lamang akong maghintay hanggang ma-realized nito na mahal ko sya.”
“twenty-eight ka na, hindi ba, Lorenz? Hindi ka na din bumabata.”
“Pareho tayo, pare ko.” tinitigan ni Lorenz ang kaharap.
Natawa sya.
“kaya nga naririto tayo ngayon para uminom. At nang makalimutan natin ang mga problema.”
Naparami ang kanilang nainom.
“Hindi ka na pwedeng magmaneho pauwi sa inyong mansion. Gusto mo bang ihatid na kita o ditto ka na matulog?”
“Dito na lamang ako matutulog, Lorenz. Ditto sa sofa mo.”
“ditto na ako, doon ka na sa kama ko.”
Nang tignan ni Lorenz ang kaibigang kainuman, tulog na ito.
Napailing si Lorenz. Tinanggal nito ang sapatos ni Louie at itinaas ang dalawang paa nito para makahiga ng maayos sa sofa.
Pumasok siya sa kanyang kwarto at naglabas ng unan at kumot.
Iniangat nya ang ulo ng kaibigan at nilagyan ng unan sa ilalim. Pagkatapos ay kinumutan ito.
Pinatay nya ang ilaw sa sala at iniwan lamang ang isang table lamp na nakasindi sa isang sulok ng living room.
“good night, pare” pabulong na sabi ni Lorenz.
Nagtungo na sa kanyang sariling kwarto .
Kinabukasan…
“nakakahiya naman sa iyo, Lorenz. Naperwisyo yata kita ng husto.”
“wala iyon. What are friends for? Nakatulog ka bang mabuti?”
“siguro naman dahil parang nawala na ako sa mundo. Tila sumobra ang inom ko.”
“pagkatapos mong maligo, ayos na iyan. Habang naliligo ka, ihahanda ko na ang almusal.”
Masayang nagluto si Lorenz. Hindi nya maintindihan ang sarili. Kung bakit napakasaya niya at tila hindi nakakaramdam ng pagod kapag kasama niya ang kaibigan at kasamahan sa trabaho.
Sabay na silang pumasok sa opisina. Sanay na silang pareho dahil na rin nga siguro magkaibigan sila.marami ang bulong-bulungan sa Department nila pero di na lang nila iyon pinapansin.
Almost one week na ang nakalipas mula nung pagusapan nila ni Lorenz ang tungkol sa model na karapat-dapat magsuot ng mga designs nya. May mga nirekomenda nga sa kanya at ang sabi ay pupunta ito ngayon sa opisina nya. Natuwa sya at nanalangin na sana yung babaeng yun na ang hinahanap nya.
Nasa opisina ngayon si Louie at Lorenz, habang nasa kalagitnaan ng pag-uusap may kumatok sa pintuan, secretary nya at sinabi na may naghahanap sa kanya. Farrah Dominguez ang pangalan.
“sige, papasukin mo na sya.” Utos nya rito.
Natulala sya pagkakita nya dito, pati na rin si Lorenz. Kuhang-kuha nito ang mga hinahanap nya. Nasa state-of-shock parin silang pareho nang biglang tumunog ang telepono ni Lorenz..
[Hello? Yes. Sige. Papunta na ko. Pasensya na nakalimutan ko. ]
“sino yon?”
“ah… isang kaibigan. I have to something urgent to attend to. I have to go. Pasensya na maiiwan kita dito.”
“it’s okay.”
“Sige… Bye” paalam nito sabay alis.
Napakalakas ng sex appeal ni Farrah Dominguez. Halos boyishly slender ito pero mahubog ang pangangatawan. Hindi gaanong malaki ang boobs pero full and beautifull shaped. Mahubog din ang mahahabang biyas ng mga binti nito. Bumbayin ang mga mata, matangos ang ilong at sensual ang full, pouting lips nito. Matindi ang animal magnetism ng babae.
Taga Zamboanga City si Farrah at ayon ditto, ang ancestors nito ay may lahing Kastila. Kaya marahil dark brown ang mga mata nito.
Graduate ito ng Pharmacy pero mas hilig nya na maging fashion o commercial model. She’s a graduate of University of the Philippines.
“Kelan ka makakapag-start?” tanong nya.
“kahit na anong oras. Wala akong ibang commitments.”
“kung gayon, bumalik ka bukas sa personnel at pipirmahan mo ang iyong kontrata.”
------------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥-----------