Na-inspire siya sa pagdedesign mula nang dumating si Farrah sa opisina. Gusto nyang makagawa ng magagandang fashion ensembles para i-model nito sa susunod nilang stint sa Japan.

 

 

 

Nahihirapang mag-concentrate si Louie kapag nakikita nya si Farrah, hindi sya makapagtrabaho.

 

 

 

 

Nakatutok kay Farrah ang kanyang mga mata. Mula sa sketchpad, lumilipad sa shapely legs ng fashion model.

 

 

 

 

Mahilig sya sa magagandang binti. Isa ito sa mga assets ng isang babae na sinasamba nya.

 

 

 

 

Nalaman nyang bago nagtabaho sa kanila si Farrah, nagging commercial model muna ito ng isang line ng beauty products.

 

 

 

 

“ano, bilib ka sa bago nating model ano?” kantiyaw ni Lorenz “panay ang tingin mo eh”

 

 

 

 

“hindi lang naman ako. Ikaw din. At halos lahat ng mga kalalakihan dito.”

 

 

 

 

“humahanga lamang naman ako. Pero huwag kang mag-alala, hindi mo ko magiging karibal, pare ko.”

 

 

 

 

“napaka-premature naman ng imahinasyon mo. Sira ka talaga!” sambit nito sabay halakhak.

 

 

 

 

Nagging apologetic si Farrah ngang dumating. Mahirap daw sumakay at na-traffic pa ito. Sa Marikina kasi umuuwi ang dalaga.

 

 

 

 

Pagkatapos ng photo session, kinausap ni Louie si Farrah.

 

 

 

 

“nagko-commute ka ba mula Marikina araw-araw papunta dito?” tanong nya sa dalaga.

 

 

 

 

“oo. Libre kasi ako sa pagtira doon. Mga tiyahin ko ang may-ari ng tinutuluyan ko. hindi na ako sinisingil ng upa. Nagbibigay na lamang ako para sa pagkain.”

 

 

 

 

“gusto mo bang lumipat dito sa malapit-lapit?”

 

 

 

 

“oo nga sana, pero mahal naman ang bayad. Isang kwarto lamang, libo na ang rental. Baka hindi ko makaya.”

 

 

 

 

“mayroon akong mga condo units na pinauupahan at marami pang bakante. Malapit lamang ito ditto sa ating opisina. I could give you a unit. Wala kang babayaran. Libre ang pagtira mo dito.”

 

 

 

 

“ano? Naku, tila nakakahiya naman. Mawawalan ng kita ang unit na ibibigay mo sa akin.”

 

 

 

 

“mayaman ako, Farrah I’m a millionaire by this time. Hindi makakaapekto sa finances ko ang isang unit na hindi kikita.”

 

 

 

 

Nagulat si Farrah. Napahiya ito.

 

 

 

 

“of course. Alam ko ito. But still, tila nakakahiya talaga.”

 

 

 

 

“consider it a bonus. Dahil lumakas ang benta ng Allure Garments matapos ang fashion show na tinampukan mo, lahat ng mga isinuot mo ay mabilis na nabenta sa market.”

 

 

 

Ngumiti si Farrah.

 

 

 

“kung ganyan ang sitwasyon, okay! Lilipat ako sa condo unit na inaalok mo.”

 

 

 

 

“good. Bukas, sasamahan kitaa sa inyo at ipagpapaalam kita sa iyong mga tiyahin.”

 

 

 

 

Agad naming pumayag ang mga ito dahil sa maayos na paliwanag ng boss ni Farrah.

 

 

Nang makalipat na sa condo-unit ang fashion model, inistima ito ni Louie. Ibinili ng furniture at appliances. Nang nasa Marikina na sila, nahalata nya na medyo pangkaraniwan lamang ang kalagayan ng dalaga. Wala itong ano mang mamahaling gamit.

 

 

 

Nasabi ni Farrah na halos lahat ng mga kinita nya ay naitulong nya sa mga tiyahin.

 

Halos maglulundag sa ito sa tuwa nang makitang fully furnished na ang condo na nilipatan.

 

 

 

“napakabait mo, Louie. Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito para sakin?”

 

 

 

Saglit syang natigilan. Paano ba nya sasabihin na mahal na mahal nya si Farrah? Tiyak na pagtatawanan siya nito. At baka tahasang sabihing imposible silangmagkaroon ng relasyon.

 

 

 

 

“magkaibigan tayo, hindi ba? Magkasama sa trabaho. Isa pa, you deserve it. Isa kang asset sa kumpanya ko, Farrah.”

 

 

 

 

“pero sobra na ito. Baka hindi na ako makabayad ng utang na loob.”

 

 

 

 

“as I said, I am notoriously rich. Sabihin na lamang natin na wala na kong paglagyan ng pera ko.”

 

 

 

Huminga ng malalim si Farrah.

 

 

 

*forward*

 

 

 

“So, you gave her a condo unit.” sabi ni Lorenz nang ikuwento nya ang paglipat ni Farrah. “what a lucky girl that Farrah is.”

 

 

 

 

“deserving naman ito. Bonus ko ito dito.”

 

 

 

 

“Bonus? Napakalayo pa ng Pasko.”

 

 

 

 

“Advance bonus. Bakit ba tila napaka-pakielamero mo yata ngayon, Lorenz? Natatakot ka bang pagbawalan kitang dumalaw kay Farrah sa condo unit nito?”

 

 

 

 

“wala akong iniisip na ganyan. At wala din akong balak na dumalaw kay Farrah. Kasama na nga natin  maghapon sa opisina, dadalawin ko pa?”

 

 

 

 

“kapag may gusto ka sa isang tao, hindi mo pagsasawaan ito.”

 

 

 

 

“that’s just it. Wala akong gusto kay Farrah Dominguez.”

 

 

 

 

“akala ko kasi…”

 

 

 

 

“tulad ng sinabi ko minsan… hindi mo ako magiging karibal kay Farrah. Kaya lamang…”

 

 

 

 

“kaya lamang ay ano, Lorenz?”

 

 

 

 

 Sumeryoso ang mukha ng photographer.

 

 

 

 

“nag-aalala ako. Baka balang araw, labis kang masaktan dahil hulog na hulog na ang kalooban mo kay Farrah.”

 

 

 

“anong ibig mong sabihin?”

 

 

 

 

“liligawan sya tiyak ng ibang lalaki. At natitiyak kong may iibigin itong isa sa mga manliligaw nya pagdating ng araw. Saan dadamputin ang puso mo, pare ko?”

 

 

 

Hindi siya kumibo. Tila nag-isip ng malalim.

 

 

 

“bahala na” sa wakas ay nasabi rin nya.

 

 

 

 

“kalian ka pa magbabago?”

 

 

 

 

“sinusunod ko lang kung ano ang nararamdaman ng puso ko, Lorenz”

 

 

 

 

“pero sana, gamitin mo naman ang isip mo paminsan-minsan.”

 

 

 

 

“higit na malakas ang hirit ng puso.”

 

 

 

 

“hindi ako naniniwala. Ang isip ang kumukontrol sa bawat himaymay n gating katawan.”

 

 

 

 

Napailing si Lorenz. May kapilyuhang ngumiti.

 

 

“kursunada mo si Farrah ano?”

 

 

 

“baka may makarinig sa iyo, Lorenz.”

 

 

 

“bakit kailangang pangilagan mo ang iyong mga employees?”

 

 

 

 

“dahil… kasi…”

 

 

 

 

“kasi alam mong hindi tama ang ginagawa mo, ganoon ba?”

 

 

 

 

“please, Lorenz ayaw ko nang pag-usapan ito. Masyadong personal. Baka may gagawin ka pa, iwan mo na muna ako.”

 

 

 

“dapat mo nga palang malaman na malaki ang crush ni Mr. Tan kay Farrah. Ito ang karibal mo nang husto.”

 

 

 

“ang matandang iyon? Pero may asawa na yun diba?”

 

 

 

“baka gusting gawing kerida si Farrah. Number 2.”

 

 

 

Umasim ang mukha ni Louie.

 

 

 

“huwag nyang susubukang gawin yon. Pupulbusin ko ito.”

 

 

 

 

“matinik sa babae si Mr. Tan. Ingat dito.”

 

“ito ang dapat mag-ingat. Nagtatrabaho ito sa aking kumpanya.”

 

“pero may union dito pare. Huwag mong kalilimutan iyan.”

 

Tama naman si Lorenz. Hindi nya pwedeng dispatsahin ang isang employee dahil lamang sa kinursunada nito ang isa nilang fashion model.

 

Iniba nya ang usapan.

 

“malapit na tayong magtanghal sa Japan,” sabi nya. “ang fashion show doon ay maglulunsad ng ating mga produkto sa Japanese market kapag pumasa ang mga ito.”

 

“natitiyak kong magiging success ito, pare. Ibang-iba ang mga designs mo.” Pag-chi-cheer ni Lorenz kay Louie.