Napansin ni Louie na matamlay si Farrah nang hapong iyon matapos ang rehearsals nila sa gagawing fashion show sa Japan.

 

“anong nangyayari sayo?” tanong nya. “namumutla ka ah.”

 

“lalagnatin yata ako. Masama ang pakiramdam ko”

 

“ano? Kung gayon, magpahinga ka na muna sa opisina ko at pagkatapos ng huling batch na kasali sa rehearsal, ihahatid na kita pauwi.”

 

“sige. Sorry ha.”

 

Malakas ang ulan habang nagmamaneho si Louie para ihatid si Farrah. Nangangatog na ang dalaga ng dumating sila sa condo.

 

“hubarin mo yang suto mo at babanyusan kita.” Utos ni Louie.

 

“nakakahiya naman sa iyo, ako na lang.”

 

“Nonsense! Hindi mo na kaya ang sarili mo, uminom ka ng mainit na gatas pagkatapos mo.”

 

Nagsuot ng towel robe si Farrah at binanyusan na sya ni Loiue sa pamamagitan ng bimpo at tap water.

 

“ang init mo. Sana ay gumaling ka na agad bago pa tayo tumulak papuntang Japan.”

 

“huwag kang mag-alala. I won’t let you down. Pipilitin kong gumaling agad.”

 

Habang binabanyusan nya si Farrah, siya naman ang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Hindi dahil sa nahawaan sya ng lagnat ni Farrah.ibang uri ng lagnat na sumalanta sa katauhan nya.

 

Nagluto sya ng sopas. Para makahigop ng mainit si Farrah.

 

Matapos magpahinga, nakatulog na si Farrah.

 

“hindi na ako uuwi. Ditto na ako matutulog para may kasama ka.” Sabi nya bago natulog ang dalaga. “kung may kailangan ka, tawagin mo ako.”

 

Naalimpungatan sya ng marinig nyang umuungol si Farrah. Kinusot niya ang kanyang mga mata na namimigat sa antok.

 

Nakabaluktot si Farrah at halatang may matinding sakit na nararmdaman. Pasugod nyang nilapitan ito.

 

“Farrah…” hinipo nya ang noo nito.

 

“lalong tumaas ang lagnat mo.” Alalang sambit ni Louie

 

“napakasakit ng tiyan ko” daing nya.

 

“baka naman padating na ang monthly period mo?.”

 

“hindi. Katatapos lang.”

 

 Maya-maya ay bumangon si Farrah pagkatapos ay parang manika basahan itong napaupo sa baldoza.

 

Inalalayan nyang makatayo ito at dinala sa kama.

 

“kailangan mong magbihis uli. Basang-basa ka ng pawis.”

 

“Hiyang-hiya na ako sa iyo.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Farrah “masyado ka nang naperwisyo.” Dagdag nito.

 

“nasisiyahan ako  sa ginagawa kong ito Farrah. Wag ka nang mag-alala.”

 

“napakabait mo.”

 

“kumusta na ang pakiramdam mo?”

 

“medyo ayos na, pagkatapos kong mailabas ang lahat ng kinain ko.”

 

“matulog ka na. siguro may nakain kang hindi tama o baka hindi ka natunawan.”

 

Maagang nagising si Louie kinabukasan. Ipinagluto nya nang almusal si Farrah.

 

“huwag ka na munang pumasok ngayon. Magpahinga ka na lang para makabawi ka ng lakas.”

 

“okay.. pero ikaw?”

 

“kailangan kong oumunta ng opisina. Katapusang ng buwan. Magpapasuweldo ako at marami akong pipirmahang mga papeles.”

 

“ganun… sige… ingat...”

 

“kaya mo na ba ang sarili mo?”

 

“oo naman. Wah mo na kong alalahanin. I’m okay now.”

 

~~~~~~~~~> opisina

 

“mukhang haggard ka.” Puna ni Lorenz nang puntahan nito sa opisina si Louie. “tumawag ako sa landline mo kagabi pero sabi ng maid mo, hindi ka daw umuwi.”

 

“Doon ako natulog sa condo unit ni Farrah.”

 

“eh di… ayos na pala ang buto-buto.” Nakangising sabi ni Lorenz

 

“hindi oy! Nagkasakit ung tao. Mataas ang lagnat at sumakit ang tiyan. Akala ko nga maoospital na sya ee.”

 

“a, so binantayan mo pala ang darling mo. Kumusta na sya?”

 

“okay na pero hindi ko pinapasok. Kailangan nya ng pahinga.”

 

“mabuti hindi ka nag-leave?”

 

Inirapan nya ito.

 

“hoy Lorenz Monteagudo! Lumayas ka na nga ditto bago pa ko mainis.”

 

Bago sya umuwi, namili sya ng prutas. Iyong mga paborito ni Farrah. Ubas at ponkan. Bumili din sya ng imported biscuits at nag-grocery na din sya.

 

Dalawang malalaking grocery bags ang bitbit nya ng bumaba sya sa kanyang kotse.

 

Diniinan nya ang buzzer.

 

Ilang sandal ang lumipas bago ito binuksan ni Farrah.

 

Bumulaga sa pandinig nya ang malakas na tunog. At… At… Pagtawa iyon ng isnag lalaki.

 

Parang nagulat si Farrah nang makita sya. Tila hindi nito inaasahan na darating sya ng ganong kaaga. Alas kuwatro pa lang ng hapon.

 

“may.. may bisita ka?”

 

“ah… oo si Jonas.” Itinuro ni Farrah ang lalaking nakaupo sa sofa at tumayo nang mapansin sya. Nagbigay galang ito.

 

“good afternoon. I’m Banjo Moran. Umuupa kami diyan sa ikaapat na unit mula rito.”

 

“Hi. Well, please excuse me. Ililigpit ko lang itong mga pinamili ko.”

 

Lumabas na sya ng kusina. Nakukukot ang loob nya. Gusto nyang ihagis ang lahat ng kanyang pinamili.

 

Preo tulad ng dati, nagawa nyang magpigil. Hanggang sa magpaalam si Banjo. Ginabi na ito doon.

 

“akala ko ba ay magpapahinga ka?” inis na tanong nya kay Farrah. “mag-e-entertain ka lang pala ng kung sinong Ponsyo Pilato ditto sa unit mo.”

 

Pumormal si Farrah.

 

“galit ka? Bawal bang magkaroon ng bisita ditto?”

 

Natauhan sya sa sinabing iyon ni Farrah.

 

“ah… eh… hindi naman sa ganon. Ang sakin lang, iniwan kita ditto dahil masama pakiramdam mo at kailangan mong magpahinga.”

 

“alangan naming mahiga ako maghapon ano?” obvious na pagka-irita sa boses ni Farrah.

 

“isa pa, hindi mo gaanong kilala ang Banjong iyon. Pinapapasok mo na agad ditto. Paano kung… pagsamantalahan na non?”

 

“oh come on, boss. Disente naman yung tao at gusto lamang makipag-kaibigan. Huwag mong lagyan ng malisya ang mga pangyayari.”

 

Sumimangot si Farrah. Dama ni Louie na ayaw nitong pinakikielaman ang mga ginagawa.

 

“Sorry. Nagmamalasakit lang naman ako sayo. Sa panahong ito, ibang-iba na ang mga lalaki… And appearances can be deceptive. Bueno, magpapaalam na muna ako.” Malamig na sambit nya. “may aasikasuhin pa ko.”

 

Hanggang ihatid sya nito sa may pintuan.