Nanonood ng TV si Lorenz habang umiinom ng malamig na beer. Maaga nyang natapos ang mga gagawin sa opisina kaya maaga syang umuwi. Hindi nya nakita si Louie nang bandang hapon na at isa lang ang ibig sabihin non. Nagpunta it okay Farrah.

 

 

Narinig nyang tumunog ang doorbell nya. Tumayo sya para buksan iyon.

 

 

 

“O, pare, ikaw pala. Tamang-tama, marami akong beer sa loob ng ref. Inuman tayo.”

 

 

 

“may dala akong fried chicken at chicharong bituka para pulutan.”

 

 

 

“WOW! Tila mahaba-habang inuman to. Come in, sit down.”

 

 

Pinatay ni Lorenz ang TV. Alam nyang may problema si Louie at wala ito sa mood manood.

 

 

Kinuha nya ang nakabalot na dala nito at saka inilagay sa pinggan. Lumabas na sya ng kusina dala yon pati na rin ilang bote ng beer at ice cubes.

 

 

Ngatnaong sya pagkalipas ng ilang minute ng katahimikan.

 

 

 

“may problema ba?”

 

 

 

“si Farrah. Dinatnan ko sa loob ng condo na may bisitang lalaki.”

 

 

 

“sino?”

 

 

 

“pamangkin ng umuupa sa isa kong unit. Banjo ang pangalan. Bata pa sya, gwapo at malakas ang appeal sa babae.”

 

 

 

“so, galit ka kay Farrah? Anong balak mong gawin?”

 

 

 

“ewan ko! hindi ko alam, naguguluhan ako.”

 

 

 

“nagsisimula na ang problema mo. Hindi ba sinabi ko na sayo na darating ang araw na baka masaktan ka?”

 

 

 

“matitiis ko ang lahat. Alang-alang kay Farrah.”

 

 

 

“nahihibang ka na, pare”

 

 

 

“ganon na nga marahil.”

 

 

 

“well, I wish you luck. Hindi mo sana pagsisihan ang lahat.”

 

 

 

Dahil sa labis na kalasingan, nakatulog na sya sa couch ni Lorenz.

 

Inayos ng photographer ang pagkakahiga ni Louie at kinumutan ito.

 

Kung ano man ang samaan ng loob sa pagitan nila Farrah at ang boss nito at tila nakalimutan nila dahil sa paghahanda sa pagpunta sa Japan.

 

 

Itinanghal ang fashion show sa Hondori Arcade, ang pinakamalaking shopping center sa Hiroshima. Ang fashion show ay inorganized ng isang civic group sa Japan at ang proceeds nito ay mapupunta sa mga nabubuhay pang hibakusha – o bomb survivors ng kauna-unahang atomic bomb na ibinagsak ng mga Americans sa Hiroshima noong magtatapos na ang World War II.

 

 

Dinagsa ng mga Japanese ang itinanghal na fashion show ng Allure Garments, Inc. kasama sa grupong magtatanghal ay mula naman sa Singapore at Taiwan.

 

 

Halatang napakaraming pumalakpak sa fashion show na itinanghal ng mga taga-Pilipinas. Itinodo ni Louie ang kakayahan sa mga designs na ipinakita ng mga modelo.

 

 

Tulad ng inaasahan nya, umuugong ang palakpakan kapag si Farrah ang naglalakad sa catwalk.

 

 

Nang matapos ang show, sold-out agad lahat ang dala nilang merchandise for sale at napakaraming orders mula sa shopping stalls sa Hondori Arcade.

 

 

Binigyan ng parangal ng mga Japanese Civic Organizers ang grupo ng Allure Garments. Nagkaroon ng party nang gabing iyon sa bahay ng isa sa mga opisyal na pamahalaan ng Japan.

 

 

Agad na natipuhan ng binatang anak nito si Farrah. Hindi humiwalay si Yoshiki Yamauchi sa magandang fashion model sa buong gabi ng parangal. Palaging ito ang kasayaw.

 

 

Halos sumabog naman sa selos ang dibdib ni Louie. Ni hindi nito nagawang kausapin si Farrah.

 

 

Halos magwala sya nang mapansing biglang nawalang parang bula ang alagang fashion model at binatang Hapon.

 

 

 

“nasan na kaya sila?” balisang tanong nya kay Lorenz.

 

 

“marahil ay ipinasyal lang ni Yoshiki si Farrah. Pabayaan mo sila, hindi na bata si Farrah. Twenty three na sya. Isa nang adult. Tara! Tayo naman ang mamasyal. Relax. Okay?”

 

 

 

Napilitan syang sumama kay Lorenz. Lahat ng buong crew ay nagkanya-kanya ng lakad.

 

 

Dinala sya ni Lorenz sa Yagenbori, na sentro ng nightlife sa Hiroshima. Halos 3,500 bars, restaurants and discos ang nasa makikitid na alleys at kalyehan nito.

 

 

Pumasok sila ni Lorenz sa loob ng isang mausok na coffee shop. Napakaraming kumakain doon dahil masarap ang specialty nila na Grilled Octopus mula sa Inland sea at Crispy Fried Lionfish. Uminom sila ng kape.

 

Nawala ang tension ni Louie. Masarap kasama si Lorenz pano ba naman kase madaldal at di nauubusan ng kwento.

 

 

“ito ang kabilang panig ng Hiroshima,” wika nito “vital pero relaxed.”

 

 

Gabi na nang bumalik sila sa kanilang hotel. Pero wala pa rin si Farrah. Hindi na nagawang mag-alala pa ni Louie dahil pagod na pagod na sya at marami din syang nainom na sake (SA-KE). Agad din naman syang nakatulog.

 

 

Hapon na kinabukasan nang bumalik si Farrah sa kanilang hotel. Hindi na nito hinintay na magtanong ang kanyang boss o si Lorenz.

 

 

“inilibot ako ni Yoshiki halos sa buong Hiroshima.” Pagyayabang nito. “sumakay kami sa pribadong yacht at nag-sailing sa Inland Sea. Kung saan napakaraming mackerel, bonito at marlin.”

 

 

 

“mabuti naman at enjoy ka.” Malamig na tugon ni Louie “pero sana man lang nagkaroon ka ng courtesy na magpaalam.”

 

 

“hindi naman kita tatay” pabalang na sagot ni Farrah sa kanya. “You’re only my employer. What I do with my spare time is none of your business.”

 

 

 

Si Lorenz na ang sumagot. “nag-aalala lang naman si BOSS dahil kargo ka nito at ang iba pa nating kasamahan. Hindi naman napakahirap magpaalam eh.” Talagang idiniin nito ang salitang BOSS.

 

 

Hindi na kumibo si Farrah bagkus nagtuloy-tuloy lang sya sa kwarto nya.

 

 

 

Kinabukasan, umuwi na sila. Pagdating sa Pilipinas, nagging busy na naman si Louie sa pag-iisip ng mga bagong designs.

 

 

Hindi sya gaanong pumupunta sa condo ni Farrah. Kasalukuyang nagpapahinga ang mga fashion models ng Allure Garments habang hindi pa uli nagkakaroon ng susunod na fashion show at photo session.

 

 

Ginabi sa opisina noon si Louie dahil may tinatapos na mga trabaho nang mag-ring ang cellphone nya, may text galling kay Farrah.

 

[Tulungan mo ko. pumunta ka agad dito]

 

 

 

Halos mapalundag sya sa kanyang upuan. Hindi na nya nagawang iligpit ang ginagawa sa ibabaw ng desk nya.

 

 

Dali-daling syang nagtungo sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan hanggang marating ang condo ni Farrah.

 

 

“anong nangyayari sayo?” alalang tanong nya nang makitang nakahandusay ito sa carpeted floor. Nakabaluktot ang katawan nito at halatang matindi ang sakit na dinaranas.

 

 

Hindi malaman ni Louie kung ano ang gagawin pero obvious na kailangan dalhin agad si Farrah sa ospital.

 

Tinawag nya ang security guard sa lobby.

 

 

 

“HALIKA DITO SA UNIT 3-D, DALIAN MO!!!!”

 

 

 

Agad naman nakarating ang security guard “ano pong nangyayari dito?”

 

 

“Dali, buhatin mo to at dalhin sa kotse ko. Dadalhin natin sya sa ospital.”

 

 

Mariin ang kagat ni Farrah sa pang-ibaba nyang labi habang isinasakay sa likurang bahagi ng kotse.

 

 

“dyan ka! Bantayan mo to” utos ni Louie sa security guard. “kailangang mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Emergency to.”

 

 

Ipinasok agad ng mga sumalubong sa sasakyan nila si Farrah sa Emergency Room. Putlang-putla na ito, pinagpapawisan pa ng malamig.

 

 

“sige, bumalik ka na sa condo” utos nya sa security guard “heto ang pera, magtaxi ka na lang.”

 

 

Halos pumutok na pala ang appendix ni Farrah kaya agad na inoperahan ito.

 

 

Habang naghihintay sya sa waiting room, tinawagan nya si Lorenz at ikinuwento ang mga nagyayari.

 

 

 

“kailangan mo ba ng tulong ko?”

 

 

 

“dalhan mo naman ako ng kung anong makakain. Nagugutom na ko.”

 

 

Ikinuha nya ng magandang kwarto sa ospital si Farrah. Iyong may TV, Ref at Airconditioned pa. may extra bed pa pala.

 

 

 

Nang matauhan si Farrah, nag-iiyak ito. Hiyang-hiya sya sa amo na madalas nitong supladahan pero naroon pa rin at handang dumamay sa lahat ng oras.

 

 

“ngayon ka pa nag-iiyak kung kelan tapos na ang lahat. Lihtas ka na sa panganib.” Alo nya sa dalaga

 

 

 

“nakukunsensya ako. Hindi nagging maganda *sob* ang attitude *sob* ko sayo nitong *sob* mga nakarang araw. Patawarin *sob*  mo ko.”

 

 

 

Hinawakan ni Farrah nang mahigpiot ang kamay ni Louie at napawing lahat ang mga hinanakit nya.

 

 

 

Malalim ang kasiyahang nadama ni Louie sa pagkakahawak ni Farrah sa kamay nya. Napawi ang lahat ng pagod nya.

 

 

 

“salamat boss. Sa lahat ng mga ginagawa mo sa akin.” Sabay halik sa pisngi ni Louie.

 

 

 

Kumabog ang dibdib ni Louie sa ginawang iyon ni Farrah. May gusto sana nya kung sa labi pero hindi naman pwede. Kinilig sya sa tuwa. Hindi nya iyon pinahalata.

 

 

 

 

“sorry na pagsusuplada ko nitong nakaraang araw. Sabihin mo lang kung ano ang mga ayaw mo.”

 

 

 

Paano ba nya sasabihin ayaw nyang may lalaking umaaligid sa kanya? Hindi naman tama yon.

 

 

“ingatan mo ang sarili mo at saka magpaalam ka muna sakin kung saan ka pupunta.”

 

 

 

“I’ll try. Hindi kasi ako sanay ng nagpapaalam kahit na doon samin.”

 

 

 

“nagpupunta pa ba sa condo mo si… si Banjo?”

 

 

 

“hindi na. umuwi na sya sa probinsya nila sa Bicol.”

 

 

 

Lihim syang natuwa. Nabawasan sya ng isang problema.

 

 

 

 

Pero…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

pero may sumunod na agad na ISA?!