You're my Dark Star -- C4 part 2
Matapos makalabas ng ospital, madalas na dumalaw sa condo ang isa sa mga doktor na umasikaso kay Farrah nang operahan ito dahil sa appendicitis. Ang naging anesthesiologist nito.
Si Dr. Christian Ballesteros. Makisig, mayaman at napakatindi ng attraction sa opposite sex.
Halata agad niya na namamagneto ditto si Farrah. Alam din nya na madalas silang mag-date ng fashion model.
Wala syang magawa para pagbawalan ito. Ano nga naman ang karapatan nya?
Sinabi na minsan ni Farrah sa kanya na kung ano man ang ginagawa nya outside office hours was nobody’s damned business.
Hanggang sa sabihin nitong magkasintahan na sila ng doktor.
“MAHAL NA MAHAL ako ni Christian,” pagyayabang ni Farrah. “ipapakilala daw nya ko sa mga magulang nya at pagkatapos ay baka pakasalanan na nya ko at sa States na kami titira.”
Naramdaman nyang may bumara sa kanyang lalamunan. Gusto nyang magwala. Bakit ba ayaw lubayan ng mga lalaki ang tanging babaeng natutunan nyang mahalin nang husto?
Bihira na syang pumunta sa condo ni Farrah, hanggang sa hindi na sya talaga pumupunta. Natatakot sya nab aka madatnan nya doon ang doktor na nobyo ni Farrah. Baka kung ano pa ang magawa nya.
Nagging madalang ang kanilang fashion shows kaya palaging nasa condo si Farrah.
“nakakita na ko ng isang magandang site para sa susunod na photo session natin,” sabi sa kanya ni Lorenz.
“saan naman?”
“sa isang beach resort sa Cavite. Maliit lang yon kaya hindi gaanong pinupuntahan pero napakaganda naman at retrained ang natural beauty. Hindi commercialized ang tanawin.”
“gusto kong makita.”
“aba! Sure. Halika na puntahan na natin.”
Nagustuhan nya ang lugar na ipinakita ni Lorenz. At napagkasunduan nilang doon gagawin ang susunod na pictorial.
Pabalik na sila ng Maynila nang kailangang mag-detour ang kotseng minamaneho ni Lorenz sa bandang Mabini dahil prusisyon sa Roxas Boulevard at isinara ito sa traffic.
Naging masikip din ang traffic sa nilikuan nila. Bumper to bumper.
“naku, may appointment pa naman ako sa isang kliyente,” nag-aalalang sabi ni Louie. “wala na ba tayong ibang malulusutan?”
Iginala ni Lorenz ang mga paningin. Isang bloke na lamang at makakaalis na sila sa pagkakabuhol ng traffic sa lugar na iyon.
“nakikita mo ang Motel na iyon? Pwede kong ipasok itong kotse at lulusot tayo sa exit.”
“Naku, hindi ba nakakahiya? Ang daming sasakyan na nakasunod sa atin.”
“hindi naman natin kilala ang mga iyan. Besides, tinted itong kotse. Hindi tayo makikita.”
“sige, ikaw na ang bahala. Kung hindi lang ako nagmamadali…”
Iniliko ni Lorenz ang kotse papasok sa motel compound. Hindi nila napansin na may kasunod silang isa pang sasakyan.
Nang palabas na sila sa exit, may nakasalubong naman silang isa pang kotse at kung hindi mahina ang takbo ng kanilang sasakyan baka nabangga nila ito.
Napilitan si Lorenz na itigil ang kotse. Itinabi nya para makapasok ang biglang pumasok. (huh? Ang gulo! Haha.)
And then nakilala nya ito.
“ang sasakyan ni Mr. Tan! At kasama nito si Ampy Valdez.”
Ang babaeng tinutukoy nito na kasama ng kanilang personal manager ay isa sa mga fashion models ng kumpanya.
“Oh My God! nakita kaya tayo?” tarantang tanong ni Louie.
“hindi pero kilalang-kilala ni Tan ang kotse ko. Hayun at kumakaway na ang loko!”
Pareho silang pinamulahan ng mga mukha.
Bumaba ng kotse ang kanilang personal manager at lumapit sa kotse na sinasakyan nila.
“I see palabas na pala kayo,” tila nakakalokong sabi nito.
Ibinaba agad ni Louie ang bintana ng kotse.
“nagkakamali ka nang iniisip, Tan! Iniliko ni Lorenz ang kotse para umiwas sa traffic. Palabas na kami nang pumasok ka sa maling daanan!”
“tulad ninyo, umiwas din ako sa traffic,” sabi ng may edad nang lalaki. “but it’s alright. Naniintindihan ko. Parang wala akong nakita…
LOUELLA.”
Nangipuspos sya. Sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag syang Louella ng kanilang personal manager na tila gustong ipahiwatig nito na isa syang tunay na babae at natural lang na pumasok sa isang motel kasama ni Lorenz.
Iniisip ng matandang to na magkasintahan kami ni Lorenz? Hindi maaari!
Napalunok si Louie.
“sana ay hindi na kumalat sa opisina na nagkita-kita tayo dito, at kasama ko si Ampy?” natatawang sabi ni Tan.
Hindi na nakakibo si Louie.
Nagmamadaling inilabas ni Lorenz ang sasakyan sa exit door ng motel. Lumingon si Louie at nakita nyang sinalubong ng isang Motel boy si Tan at ang kapareha nito. Pumasok sila sa isang cubicle na biglang sumarang pababa ang pintuan nito.
“please, Louella… huwag ka nang umiyak.”
“nakakahiya kay Mr. Tan. Ano na lamang ang iisipin nya? At si Ampy…”
“ano naman ang ikinahihiya mo? Pareho naman tayong walang panagutan sa buhay. Sila nag dapat na mahiya. May asawa na si Tan at pumatol pa sa kanya ang Ampy na iyon,”
“tsimosa si Ampy. Tiyak na itsi-tsismis nya tayo.”
“hindi naman siguro, syempre pinangangalagaan din nito ang sariling reputasyon.”
Napasimangot si Louie.
“kung bakit kasi dito mo pa iniliko ang kotse mo eh!”
“humingi ako ng pahintulot, remember? Sabi mo nagmamadali ka. Gusto mong makaalis tayo sa traffic na yon. Sino ba naman ang mag-aakalang doon pa tayo makikita ng manyakis na Tan na yon?”
Napaiyak na naman si Louie. Problemadong-problemado ito.
“mamumugto yang mga mata mo baka akalain sa opisina kung inano kita.”
“Lorenz…”
“kung makakarating ito sa opisina, eh di sabihin mong boyfriend mo ko. Tutal, iyan din naman ang hinala ng karamihan dahil sa closeness nating dalawa.”
“pero…”
“ikinahihiya mo bang masabing, isang socialite na may-ari ng Allure Garments ay isang photographer lamang ang boyfriend?”
“It’s not that. Nahihiya akong isipin ng ating mga kasamahan na… Naganoon mo na ko. Samantalang virgin pa ko.”
“oh well, ganoon nga ang iisipin ng mga ito. Mabuti pa nga sigurong naganoon na nga kita ano?”
Pinandilatan nya ang kausap.
“Loko ka, Lorenz. Ayaw ko ng ganyan usapan ha? Hindi tayo talo.”
“Sorry na nabigyan kita ng problema. Hindi ko naman sinasadya ito, Louella.”
Louella? Sino yon?
Parang hindi na nya kilala ang pangalang iyon. Pangalan iyon ng isang tunay na babae.
*PAK*
Sinampal sya ng katotohanan.
Katotohanan na isa syang babae. Isang magandang socialite na nagtataglay ng napakaraming katangian. Ang kalikasan nya ang babaeng-babae.
Puso nya lamang ang lalaki. Na matinding umiibig sa fashion model na si Farrah Dominguez.
Panay pa rin ang dampi nya ng panyo sa kanyang mga mata.
“Louella… please…”
“walang mawawala sayo, Lorenz dahil lalaki ka. How about me? How about my reputation?”
“nag-sorry na ako. Ano bang gusto mong gawin ko?”
Napahawak sya sa kanang bisig ni Lorenz.
“ewan ko. kailangang tulungan mo ko.”
“Ah! Alam ko na. ang solusyon dito ay magkunwari na lamang tayong magkasintahan.”
“Ano?! Nagbibiro ka ba?”
“Ano naman ang masama sa suggestion ko? Pareho naman tayong single, halos mag-kaedad at magkabagay. Maganda ka. Gwapo ako.”
Hindi napigil ni Louie ang mapangiti sa gitna ng pagluha.
“Ang yabang mo!” tumigil sya sa pag-iyak. “pagkatapos, ano na ang mangyayari?”
“magpapanggap tayong mag-sweetheart. Pagkatapos kapag nagtagal na, mag-break tayo. Ganoon lang kasimple.”
Huminga sya ng malalim.
“iyan na nga lamang siguro ang solusyon. Ano pa nga ba ang magagawa ko?.”
“Oh! so, nagkakaintindihan na tayo, hindi ba Sweetheart? Huwag ka nang umiyak dahil mukha tuloy na na-devirginized na talaga kita.”
Binatukan nya si Lorenz.
“Sira-ulo ka talaga!”
In : romance
Tags: fiction romance