C2 - [HIM... AGAIN?]
December 8, 2011Tapos na klase ni Xylem at uwian na din. Nasa clinic pa rin sya dahil napasama ang pagakakatapilok nya, na-sprained ang ankle nya kaya ayun nilagyan muna ng nurse ng temporary cast.
“ah… nurse, pwede na naman siguro akong umuwi no? mag-gagabi na rin eh.”
“oo, pwede na… teka… Hindi na ba masakit paa mo? ”
“hindi na. medyo okay na sya.”
“ah e sige, magpasundo ka na lang sa parents mo para na rin malaman nila yang nangyari sayo. Oo nga pala. Medyo masama ang pagkakatapilok mo kaya I think it’s better for you to consult a doctor by tomorrow for you to know if you’ll skip your subjects and take a rest.”
“ah, okay.”
Kaya ayun. Tinawagan ni Xylem ung kuya nya.
“kuya! Sunduin mo ko dito sa school. Nandito ako sa clinic.”
“ha? Bakit? What happened? Nabugbog ka ba? Nakipag-sabunutan ka siguro noh? O baka naman nagtatae ka? Ah.. wait no! may dysmenorrhea k--------”
WATPADAK din mag-isip tong kapatid kong to.. eeeewww.. nakakaasar lang..
“ano ba KUYA?! Would you please stop that nonsense and stupid things that comes out of your disgusting mouth! Basta! Pick me up here. I’ll explain later.”
“Okay… wait for me”
“please make it faster.”
5 minutes
10 minutes
25 minutes
“ano ba yan!? Ambagal naman ng kuya kong yun oh! Ako na lang tao dito sa clinic, umalis kasi agad yung nurse nay un ee. Tama bang iwan ako?” sarili na lang kausap nya. Naiinis na kasi sya.
Maya-maya narinig nya na pagbukas na pinto.
Si kuya na yata.
O__________________________O
“IKAW?!” si xylem yan.
^__________________________^
Aba! At nakuha pang ngumiti nitong mokong na to ah. Mukha namang aso.
“anong ginagawa mo dito?”
“nandito ko para ihatid ka sa inyo.” Ang lapad ng ngiti ah! Parang ganto oh (^______________^)
“No need. Papunta Kuya ko dito.”
“Papunta? E almost thirty minutes ka nang nag-aantay dito.”
“huh?! Paano mo naman nalaman?” gulat nyang tanong.
“Basta.”
“eh, YOKO!”
“Dali na! halika na!” sabay hablot sa kamay ni Xylem.
“O-OUCHHHH!! Ano ba?! Let go off me! Masakit paa ko!” sinigawan na nya ito.
“huh? What happened?”
“Are you blind? Can’t you see?! I’m wearing a cast! So please… Let go off me. Hindi A-KO SA-SA-MA SA-YO!”
“Ayaw mo ha?”
>________<
“Hoy! Ano ba?! Hoy! Manyakis! Ibaba mo ko!”
“Ayoko nga!”
“Put me down! Or else I’ll shout rape.”
“tsss… GO!”
“Go?” gulat nyang tanong.
“Yes. As if naman na may makakarinig sayo tayo na lang tao dito.”
“What!!! Hoy! Ibaba mo na kase ako!”
“Maka-HOY ka naman dyan. Pansin ko lang kanina ka pa Hoy ng Hoy ah. Excuse me miss. May pangalan din ako. Geneive. Kaya wag mo na kong Hoy-in.”
“WALA KONG PAKIALAM KUNG SINO KA MANG PONSYO PILATO KA! MANYAK!”
Buhat pa rin ni Geneive si Xylem sa balikat nya kaya ramdam nya na kanina pa sya nito hinahampas. Hanggang sa nakarating na sila sa kotse, binaba na nya ito.
“Ano bang balak mong gawin ha!? Kung wala pakamatay ka na! Letche!” sabay talikod.
“Ihahatid na nga kasi kita sa inyo. Kasi naman kung sumama ka na lang kasi kaagad ee. Dami mo pang arte.”
“E sa ayoko e! mahirap bang intindihin yon? Ganun ka na ba kabobo umintindi?! Baka mamaya rape-in mo pa ko. Who knows? Tska pwede ba? Don’t dare to follow me. Nayayamot na ko sayo. Letche!”
“Huwaw!! Antaas din ng pangarap mo no? Ikaw? Ra-rape-in ko? Asa! Sige. Aalis na ko kung gusto mo. Ikaw na lang tao dito. Bye. Ingat na lang sayo balita ko may rapist TALAGA dito.”
Pumasok na sya sa kotse nya at pinaandar ito.
Posted by clarice castro. Posted In : romance