You're my Dark Star -- C5 part 1
December 6, 2011*KINABUKASAN
Nadatnan ni Louie sa mesa nya ang bundle ng long-stemmed red roses at may card na naka-attach dito. Binasa nya.
To my dearest, darling love…
I Love You, Louella…
-LORENZ
Nabigla sya. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman pero alam nya na nagsisimula nang kumilos si Lorenz para gawing makatotohanan ang gagawin nilang pagkukunwari.
Pero nakaramdam sya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa kanyang puso. Inamoy nya ang bango ng red roses.
Nagblushed sya nang biglang pumasok ang secretary nya.
“Ma’am… may kakaibang glow sa inyong mga mata ngayong umaga ah.” Nakangiting bati ni Pia.
“Oh well… maybe because I’m in love,” pakikisakay nya. “Will you put these roses in vase, Please?”
“Galing po kay Lorenz ang mga ito ano? So totoo pop ala ang lihim na bulungan ditto sa mag-on kayo?”
“Matagal nang bulungan?”
“Opo. Kaya lang napaka-discreet ninyo kaya walang nangangahas na magtanong.”
Napangiti sya.
“Well, we are not so discreet now.”
Ilang minute pa, pumasok si Lorenz sa opisina nya. May ningning din ang mga mata ng binata na noon lang nakita ni Louie. Tila masayang-masaya ito.
“Thanks for the roses, Lorenz. Hindi mo na dapat pa ginawa iyon.”
“I want to give you red roses. Matagal na kitang gusting bigyan nito. Nag-aalangan nga lang ako noon.”
“Lorenz, please remember na nagpapanggap lang tayo ha? Don’t be carried away.”
“Tena, Sweetheart, 10 o’clock na oh. Let’s have a break first.” Pag-iiba nito ng usapan.
Parang napaka-natural ang pagkakasabi ni Lorenz ng salitang Sweetheart.
Pinagmasdan nya si Lorenz na nakatayo sa harap ng desk nya. Parang ngayon lang niya ito nakita kahit na araw-araw ay kung ilang beses itong naglalabas pasok sa kanyang opisina.
Nakangiti ito. Matangkad, matipuno ang pangangatwan at Moreno ang kutis. Dagdag pa dito na gwapo ito, lalaking-lalaki at dating at napakalakas ng sex appeal.
“Doon na lang tayo sa ground floor magmeryenda. Ako ang taya” pag-yaya ni Lorenz.
Mahal ng kaunti ang pagkain sa ground floor dahil hindi na ito sakop ng 8-storey building ng Allure Garments, Inc. Isa itong coffee shop at bake shop rolled into one.
Tumayo na si Louie at dinala ang clutch bag.
Oras ng break kaya marami silang mga kasamahang sabay-savay na pupunta ng canteen. Ngumiti sila kay Louie matapos magbigay galang.
Sa tingin ng socialite, tila sincere ang mga ito sa nadaramang kasiyahan ng makita silang magkasama ni Lorenz. Iba kasi ang dating nila ngayon. Nakadantay kasi ang kamay ni Lorenz sa balikat nya. Para bang ayaw syang pakawalan nito.
Tipong executive naman ang dating ni Lorenz kahit na photographer lang ito. Ma-awtoridad ang kasi personalidad nito at maganda magdala ng damit.
Alam ni Louie na marami sa kanilang mga employees na babae at fashion models ang nagkakagusto dito.
Pero sa simula pa lang, kahit na close friends sila. Parang nakatatandang kapatid lang ang tingin nya kay Lorenz.
At nakababatang kapatid naman ang turing ni Lorenz sa kanya.
Pare pa nga ang tawagan nila dahil mas prefer nya yon.
“kumusta na nga pala si Farrah? Hindi yata sya nagawi ngayon dito sa opisina”
“wala naman syang gagawin ditto. Isa pa, busy sya sa boyfriend nyang doktor.”
“So… masama ang loob mo?”
“Of course. Mahal ko sya e. pero wala naman akong magagawa”
“wala nga. Not unless gusto mong mahalata dito sa opisina na…”
Na isa akong tomboy. Isang babaeng may pusong lalaki. Sa isip-isip ni Louie
“Of course ayaw kong malantad to. Ikaw lang ang nakakaalam nun, Lorenz because I trust you so much.”
“wala nang mag-aalinlangan pa sa iyo dahil magkasintahan tayo. You’re a real woman, Louella. At least, para sakin.”
Lumamlam ang mga mata ni Lorenz nang tumingin ito sa kanya. Nakita nya ang hubad na paghahangad doon. His eyes were dark with fiery desire.
Kinabahan sya. Hindi nya malaman ang nararamdaman. Magkahalong- kaba, pagkalito at tuwa.
Pero mas nanaig ang damdamin nyang lalaki.
“anong nginingisi-ngisi mo dyan?” inis na tanong nya.
“wala naman. Napapansin ko lang na napakaganda mo ngayon.”
“Overacting ka na Lorenzo Monteagudo. Wag mo kong bolahin dahil alam naman natin na kapwa lang tayong nagkukunwari.” Seryoso nyang sabi. Ganun sya pagnakikipag-usap pag seryoso, tinatawag nya ito gamit ang buong pangalan.
“Oh well, we might as well enjoy, hindi ba?”
“sira ka talaga. Kumain ka na nga!”
Nagkatawanan na lang sila.
Dahil sa biglang pagbabago ng buhay nya, nakalimutan nya sandali si Farrah. Hindi din naman ito tumatawag sa kanya.
Patuloy ang pagdaan ng mga araw. May dalawang buwang mahigit na ang pagpapanggap nilang mag-steady ni Lorenz. Tanggap na ng kanilang kumpanya ang kanilang relasyon.
Madalas ngang ulanin ng kantiyaw si Lorenz. Masuwerte daw ito dahil napakayaman ng mapapangasawa.
“hindi yaman ang habol ko kay Louella,” madalas nya itong sabihin sa mga intrigero sa kanilang opisina “Mahal ko talaga sya. At nagkataon naman na mahal nya din ako.”
Pero may isa sa kanilang opisina na hindi nasiyahan nang malamang magkasintahan na sila Lorenz at Louella.
Posted by clarice castro. Posted In : romance